Team Luke, sinorpresa si Fr. Brosas sa kanyang kaarawan
March 29, 2017
 
     Isang surprise birthday party ang inihandog ng Team Luke kay Rev. Fr. Angelo Brosas sa pagdiriwang ng kanyang ika-35 taong kaarawan noong Marso 29 na ginanapap sa ground floor ng Bulwagang San Polycarpo matapos ang pagdiriwang ng Misa ng 5:30 ng hapon.
 
     Dinaluhan ng mga kasapi ng iba’t –ibang samahang pansimbahan ang isang munting programa kung saan nakisali sa mga palaro si Fr. Gelo at ilang kasapi ng Extraordinary Ministers of the Holy Communion (EMHC).
Sa pagtatapos ng palatuntunan ay nagkaroon ng photo opportunity ang mga kasapi ng iba’t –ibang organisasyon kasama si Fr. Gelo.
 
 
 
 
 
Mga pari sa Vicariate of Cabuyao, nagsagawa ng kumpisalang bayan
March 21, 2017

Bilang paghahanda sa darating na Semana Santa 2017, nagsagawa ng taunang Kumpisalang Bayan ang Parokya ng San Policarpo noong Marso 21, Martes, pagkatapos ng Misa ng 5:30 ng hapon, sa pangunguna nina Rev. Fr. Renie Oliver, Rev. Fr. Angelo Brosas, Rev. Fr. Marce Ramos at iba pang mga kumbidadong pari sa Vicariate of Cabuyao.

Sa bahagi ng pagninilay sa Misa ay binigyang-diin ni Fr. Renie ang mensahe ng Ebanghelyo mula sa Mateo18:21-35, ang pagpapatawad ng 77 ulit na ang ibig sabihin ay ang walang hanggang pagpapatawad ng Diyos sa lahat ng nagbabalik-loob sa kanya.
 

Sa pangwakas na bahagi ay pinaalalahanan niya ang mga mananampalataya na huwag basta-basta maniniwala sa mga paninira ng media sa mga obispo at pari; ang tanging layunin ng mga artikulong inilalabas ay sirain at pabagsakin ang simbahang Katolika.

Bago ibigay ang huling basbas ay hinikayat niya ang lahat na maging mapanuri sa mga bagay na paniniwalaan at patuloy na ipagdasal ang mga namumuno sa simbahan.

Natapos ang pagsasagawa ng kumpisalan sa ganap na 10:30 ng gabi.